Tuwing buwan ng Nobyembre, ipinagdiriwang natin ang
"Filipino Values Month". Ito ay ipinagdiriwang upang ipaalala at
imulat sa atin ang mga pagpapahalag sa buhay natin bilang mamamayang Pilipino. Ang
tema ngayong taon ay "Mapanuring Paggamit ng Gadget: Tungo sa
Mapagkalingang Ugnayan sa Pamilya at Kapwa".
Ang mga gadgets na ito ay ating ginagamit palagi. Malaking
tulong ang ibinibigat ng mga ito. Napakalaking papel ang ginagampanan ng mga
gadgets at teknolohiya sa pangaraw-araw na pamumuhay natin. Alam nating lahat
at hindi natin maipagkakaila na napapagaan at napapadali ang mga gawain natin
dahil sa mga ito. Sa paglipas ng panahon, nakikita natin ang pag-unlad at
pagbabago ng mga iba't-ibang teknolohiya. Maraming mga magandang epekto ang mga
gadgets ngunit may mga masasamang epekto din ito. Tulad ng sa kalusugan at sa
pakikitungo/pakikisama sa pamilya at kapwa.
Mahalaga ang mapanuring paggamit ng gadgets. Ang mga gadgets
ay isa sa mga paraan upang mas mapaganda ang ugnayan mo sa iyong pamilya at sa
iyong kapwa. Kailangan nating alamin kung tama ba at nakakabuti ba ang paggamit
natin sa gadget. Huwag nating hayaan na tayo ay lamunin ng gadgets lalo na sa
mga social media at online games bagkus ay gamitin natin ito upang mas
mapaganda at mapabuti ang ugnayan natin sa pamilya at sa kapwa. Huwag nating
gamitin ang gadget para manghusga at manghila pababa ng isang tao. Gamitin
natin ito upang mas maging makabuluhan ang ating buhay.