Thursday, November 22, 2018

Gadgets Gamitin sa Mabuting Paraan


     Tuwing buwan ng Nobyembre, ipinagdiriwang natin ang "Filipino Values Month". Ito ay ipinagdiriwang upang ipaalala at imulat sa atin ang mga pagpapahalag sa buhay natin bilang mamamayang Pilipino. Ang tema ngayong taon ay "Mapanuring Paggamit ng Gadget: Tungo sa Mapagkalingang Ugnayan sa Pamilya at Kapwa".

     Ang mga gadgets na ito ay ating ginagamit palagi. Malaking tulong ang ibinibigat ng mga ito. Napakalaking papel ang ginagampanan ng mga gadgets at teknolohiya sa pangaraw-araw na pamumuhay natin. Alam nating lahat at hindi natin maipagkakaila na napapagaan at napapadali ang mga gawain natin dahil sa mga ito. Sa paglipas ng panahon, nakikita natin ang pag-unlad at pagbabago ng mga iba't-ibang teknolohiya. Maraming mga magandang epekto ang mga gadgets ngunit may mga masasamang epekto din ito. Tulad ng sa kalusugan at sa pakikitungo/pakikisama sa pamilya at kapwa.

     Mahalaga ang mapanuring paggamit ng gadgets. Ang mga gadgets ay isa sa mga paraan upang mas mapaganda ang ugnayan mo sa iyong pamilya at sa iyong kapwa. Kailangan nating alamin kung tama ba at nakakabuti ba ang paggamit natin sa gadget. Huwag nating hayaan na tayo ay lamunin ng gadgets lalo na sa mga social media at online games bagkus ay gamitin natin ito upang mas mapaganda at mapabuti ang ugnayan natin sa pamilya at sa kapwa. Huwag nating gamitin ang gadget para manghusga at manghila pababa ng isang tao. Gamitin natin ito upang mas maging makabuluhan ang ating buhay.

No comments:

Post a Comment

To A New Chapter of Life!

"This is just the beggining of the end"  Another grading is soon to be finished. And my journey of being a Junior High School...