Monday, August 6, 2018

Filipino: Wika Ng Saliksik


     Tuwing buwan ng agosto ay nagaganap ang "Buwan ng Wika". Ginaganap ito para mabigyang kaalaman ang mga taong wala pang masyadong alam sa Ating wika at upang mabigyang pansin ang wika natin sapagkat marami na sa atin ang nakakalimot na gamitin ito. Sa kadahilanang mas ginugusto nating gamitin Ang mga ibat ibang wika ng mga ibang bansa at binavalewala na lang natin ito.

Ang tema ng Buwan ng wika ngayong taong 2018 ay "Filipino: wika ng saliksik". Ito ang napiling tema dahil ninanais ng KFW o ang komisyon sa wikang filipino na kilalanin ang wikanh filipino bilang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran.


Ang mga millenials ngayon, ay palagi nang gumagamit ng mga ibat ibang pansaliksik tulad ng google. Ang google na ito ay karaniwang nasa ingles na lengwahe ngunit mayroon din itong filipino. Ang mga kabataan ngayon at mas ginugusto nang magsaliksik gamit ang ingles na lengwahe dahil ito na ang nakaready na lengwahe nito. Nakakalimutan na nila ang ating wika. Sa mga pagsulat ng mga takdang aralin, sa mga pagsulat sa mga libro ay karamihan ng gamit ay ang wikang ingles na siyang di naman sa atin. Nauunawaan ko na ang wikang ingles ay pang unibersal na lengwahe ngunit nararapat din na ating gamitin ang sariling atin lalong lalo na pag nasa bansa ka naman.


Sariling wika natin ay ating gamitin at pahalagahan. Wag natin balewalain kundi ito ay ating isapuso at isaisip. Wikang Filipino Wika ng Saliksik!





No comments:

Post a Comment

To A New Chapter of Life!

"This is just the beggining of the end"  Another grading is soon to be finished. And my journey of being a Junior High School...